Bagay: Gabay sa Pagsulat sa Wikang Filipno

Bagay: Gabay sa Pagsulat sa Wikang Filipno

Alvin B. Yapan

Format: eBook-PDF DRM

ISBN: 9789715509602

  • Rp 131.799,78
    Unit price per 
Tax included.


Matagal nang may gabay sa pagsulat sa wikang Filipino ang Pamantasang Ateneo de Manila. Kilala ng mga mag-aaral sa Filipino ang nasabing gabay bilang ang kalakip na "Pilipino sa Pamantasan" na isinulat ni Rolando S. Tinio sa Likha na pinamatnugutan naman ni Benilda S. Santos. Ginagamit ang Likha bilang teksbuk sa pag-aaral ng retorika sa loob ng pamantasan. Sa paggamit ng pamagat na Bagay: Isang Gabay sa Pagsulat sa Wikang Filipino, nililingon nito ang tradisyong pinag-uugatan kay Tinio at sa Kilusang Bagay sa loob ng pamantasan. Isinulong ng nasabing kilusan ang paggamit ng wikang Filipino sa panahong namamalasak ang paggamit ng wikang Ingles bilang tanda ng kapangyarihan at pagiging intelektuwalisado. Sa kabilang banda, malay din naman ang kasalukuyang gabay sa pagsulat na may mga pagbabago na ring naganap sa pagsulong ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Pangunahin dito ang paghiwalay ng Filipino bilang wikang pambansa sa Pilipino na nakaugat sa pagkaunlad ng wikang Tagalog; kung kaya, "Pilipino" ang baybay ni Tinio sa wikang pambansa, samantalang "Filipino" na ang ginagamit ng kasalukuyang gabay. Naganap lamang ang ganitong mga pagbabago pagkatapos ng Rebolusyon sa EDSA (1986) sa muling pagsulat ng Konstitusyon.

Imprint: Bluebooks
Edition: 1
Language: Filipino
Number of Pages: 175
Subject: Writing Skills
Copyright Year: 2020

This is an ebook that is fulfilled via Access Code. The Access Code for redemption will be emailed within 2 working days after payment verification
You will need to preinstall Adobe Digital Edition or Compatible Apps to read the ebook


We Also Recommend