Mga Kagila-Gilalas na Pakikipagsapalaran: Mga Tulang Nahalungkat sa Bukbuking Baul

Mga Kagila-Gilalas na Pakikipagsapalaran: Mga Tulang Nahalungkat sa Bukbuking Baul

Jose F. Lacaba

Format: eBook-ePub DRM

ISBN: 9789715507257

  • Rp 126.383,36
    Unit price per 
Tax included.


Ang librong ito’y ikalawang edisyon, hindi ikalawang paglilimbag lamang, sa dahilang nirebisa ko nang bahagya ang ilang tula. Ang mga pagbabago—mga katagang kinaltas pagkat kalabisan na, mga pantig na idinagdag alang-alang sa ritmo, mga baybay na binago, isang pamagat na pinalitan—ay maliliit lamang at hindi na kailangang idetalye. Sapat nang sabihing wala namang nabago sa kahulugan o kabuluhan. Hindi ko rin ginalaw ang ilang linsad na tugma at sukat na pinupuna ng ilang kritiko, tulad ng kombinasyong daliri/sarili sa tulang “Batikabesa,” maya/lupa sa “Bagay-bagay,” inalintana/bintanaat mangyari/tili sa “May Bagyo Ma’t May Dihm.” Bagamat Cebuano ang kinagisnan kong wika, alam ko naman ang bigkas ng mga salitang iyan sa Tagalog; alam kong hindi sila magkatugma. Pero hindi lamang tugma ang instrumentong maaaring gamitin ng isang mambeberso, at sa kalipunang ito ay maraming halimbawa ng biglaang pagbibigay sa mambabasa ng bagay na hindi niya inaasahan, o di-pagbibigay ng kanyang inaasahan, at marami ring sadyang pagsuway sa mga batas ng panulaang Tagalog at sadyang pang-iinis sa mga tradisyonalista ng nilalaman at anyo

Imprint: Bughaw
Edition: 2
Language: Tagalog
Number of Pages: 126
Subject: General
Copyright Year: 1996

This is an ebook that is fulfilled via Access Code. The Access Code for redemption will be emailed within 2 working days after payment verification
You will need to preinstall Adobe Digital Edition or Compatible Apps to read the ebook


We Also Recommend